Nasa 12 million individuals pa ang kailangang bakunahan mula sa target na 54 million na ma-fully vaccinate laban sa COVID-19 bago matapos ang taon.
Ito ang ini-anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje kasabay ng paglarga ng ikalawang bugso ng National Vaccination Drive, simula kahapon.
Ayon kay Cabotaje, nananatiling pinaka-mahalaga ang primary vaccination dahil ito ang unang “Battleground” at “Layer of Protection.”
Bagaman naabot na ang target population sa Metro Manila, dapat naman anyang tutukan ang pagtuturok ng booster.
Kumpiyansa naman ang opisyal na maaabot nila ang 7 million individuals na target ng gobyerno sa 2nd round ng Vaccination Drive na magtatapos, bukas.
Sa ngayon ay mahigit 42 million na Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.