Umakyat na sa 12,460,438 ang bilang ng mga Pilipinong nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.
Ang nasabing bilang ay katumbas ng 17.59% na target ng gobyerno para sa eligible population, at 11.31% naman ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa ngayon ay 27,552,717 doses ng bakuna na ang na-administer ng pamahalaan.
Aabot naman sa mahigit 15-M indibidwal ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine. —sa panulat ni Hya Ludivico