Naharang ng mga operatiba ng Philippine Navy ang may 12 milyong pisong halaga ng bigas na nakatakdang ipuslit papasok sa bansa.
Ayon sa Naval Forces Western Mindanao, naharang nila sa bahagi ng Lampinigan Island sa Basilan ang M/L Jehan lulan ang nasa 10 sako ng pinaniniwalaang smuggled rice.
Galing sa Labuan, Malaysia at patungong Zamboanga City ang nasabing barko sakay ang 10 tripolante.
Nabisto ng mga tauhan ng navy na walang kaukulang dokumento ang mga nasabing kontrabando ng bigas.
Dinala na sa Naval Station Romulo Espaldon sa bagong Calarian, Zamboanga City ang barko na may lamang mga bigas bago i-turn over sa Bureau of Customs.