Tinamaan ng COVID-19 ang 12 mongha sa Carmel of Mary, Star of the Sea Monastery sa Tanay, Rizal .
Ayon kay Carmelite Monastery Spiritual Adviser Fr. Miguel Condes, ilan sa mga ito ay asymptomatic, habang ang ilan naman ay nakararanas ng mild symptoms.
Lahat ng mongha ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 maliban sa isa na sumasailalim sa chemotherapy.
Sa ngayon ay naka-quarantine sa loob ng naturang monasteryo ang mga nagpositibong mongha.—sa panulat ni Hya Ludivico