Nakumpleto na ang 12-man line-up ng Gilas Pilipinas para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Jakarta, Indonesia ngayong araw.
Ito ay matapos mabigyan ng Go-signal ng FIBA sports organization si NCAA season 97 Most Maluable Player (MVP) at Rookie of the Year Rhenz Abando.
Ayon kay Gilas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy secretary general Butch Antonio, ginawa ang pag-apruba kay Abando bilang kapalit ng na-injured na si Dwight Ramos.
Bukod kay Abando, kabilang pa sa mga lalaro sa koponan ang magkapatid na sina Thirdy at Kiefer Ravena, Rayray Parks, Carl Tamayo, Will Navarro, Lebron Lopez, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Geo Chiu, at Kevin Quiambao.
Unang maghaharap mamayang alas-nueve ng gabi ang Gilas kontra Lebanon na susundan ng India sa Biyernes at New Zealand sa Linggo.
Umaasa naman ang Gilas na mapapabilang sa top 2 ng Group D upang umabante sa quarter finals.