Patuloy ang search operations ng mga awtoridad para hanapin ang 12 mangingisda na napaulat na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa Catanduanes.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, pawang nagmula ang mga nabanggit na mangingisda sa Barangay Pananogan sa Bato, Barangay Cagdarao sa Panganiban, at Barangay District 3 sa Gigmoto.
Maliban dito, sinabi ni Timbal na patuloy pa rin nilang inaalam ang ibang detalye sa insidente.
Samantala, isa naman ang nawawala habang pitong iba pa ang nailigtas sa paglubog ng isang yate sa bahagi ng Bauan, Batangas.
Ayon sa manager ng Batangas Port na si Joselito Sinocruz, matinding sama ng panahon at malakas na hangin ang sinasabing dahilan ng paglubog ng yateng Ocean Explorer III.