Mahigit labing dalawang (12) milyong kahon ng powdered baby milk ng kumpanyang Lactalis ang ni-recall mula sa 83 mga bansa.
Ito ay matapos na matuklasan ang pagkalat ng bacteria na salmonella sa factory ng nasabing French company.
Kabilang sa mga apektado ng recall ay ilang mga bansa sa Europe, Asia, Latin America At Africa.
Sa kasalukuyan aabot na sa 35 kaso ng diarrhea dulot ng salmonella sa nasabing gatas ang naiulat sa France habang isa naman ang kumpirmado sa Spain.
—-