Labing dalawang mining company na ang inirekomendang suspendihin ang operasyon ng composite team ng DENR.
Ito ang inihayag ni DENR Undersecretary for Environment Leo Jasareno kaugnay sa isinagawang workshop sa bulwagang Ninoy sa Parks and Wildlife.
Ipinaliwanag ni Jasareno na pangunahing dahilan ng rekomendasyon ay ang kakulangan ng social development efforts, in-adequate ang kanilang mining practice, technical at in-adequate din ang kanilang siltation.
Ayon kay Jasareno karamihan sa mga kumpanyang ito ay nagmimina ng nickel at mula sa rehiyon ng Mindanao.
Gayunman, sinabi ni Jasareno na sumasailalim pa sa pagrepaso ang resulta ng audit report para sa 12 mining company .
Habang ang Labingwalong mining company ay isinasailalim din sa review.
Sa kasalukuyan, Sampung kumpanya na ang sinuspendi ng DENR sanhi ng paglabag sa environmental laws at kakulangan sa social development program para sa mga komunidad na nakapalibot sa minahan.
Inaasahang ihahayag ni DENR Secretary Gina Lopez sa Lunes ang aktwal na bilang ng mga Metallic Mining companies na masususpendi at magpapatuloy ang operasyon.
By: Avee Devierte