Sumuko sa militar ang 12 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, kabilang ang limang bomb-makers, sa Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, 6th Infantry Division commander at hepe ng Joint Task Force Central (JFTC), isinuko rin ang mga dating rebelde ang sampung armas, kasama ang isang .50-caliber machine gun.
Dahil sa kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno, makakatanggap ang mga ito ng livelihood package mula sa pamahalaang panlalawigan.
Batay sa rekord, mahigit 300 miyembro na ng BIFF ang sumurender sa militar nitong nakalipas na 15 buwan.