Patay ang 12 miyembro ng Colombian security forces makaraang tambangan ng leftist rebels.
Ayon sa report, inambush ng grupong National Liberation Army ang mga otoridad na nagdadala ng regional election ballots.
Kabilang sa mga nasawi ang 11 sundalo at 1 pulis.
Samantala, nawawala naman sa insidente ang 6 katao na kinabibiangan ng poll workers at isang local guide.
By Ralph Obina