12 na miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang nasawi sa magkakasunod na engkwentro sa militar sa dalawang barangay sa Patikul, Sulu.
Ayon sa militar, kabilang sa nasawi ang sub-leader na si Julie Ikit na sinasabing pinsan at second in command ni Abu Sayyaf Leader Radulan Sahiron.
Batay sa ulat ng Joint Task Force Sulu, naka-engkuwentro ng mga tropa ng 32nd Infantry Battalion ng philippine army ang humigit kumulang 120 Abu Sayyaf sa pamumuno ni Sahirun at Hatib Hajan Sawadjaan, pasado alas diyes ng umaga kahapon.
Dito napatay ng militar si Ikit at naiwan ng mga bandido ang ilang kagamitan tulad ng night vision goggles, makeshift tents, limampung galon ng tubig at limang sako ng bigas.
Sinundan naman ito ng ikalawang engkwentro sa Abu Sayyaf ng 1st Scout Ranger Battalion at 32nd Infantry Battalion sa Sition Isnain, Barangay Kabun Takas.
Maliban sa siyam na nasawing bandido, 19 na iba pang mga kasamahan ng mga ito malubhang nasugatan sa bakbakan.