Kinilala na ng Laguna police ang 12 na mga person of interest sa hinihinalang kaso ng hazing sa isang university student sa San Pablo City, Laguna.
Ayon kay San Pablo City Police Chief Lt. Col. Eliseo Bernales, karamihan sa mga sinasabing responsible sa pambubugbog kay Jonathan Cabueños ay mga lalaking estudyante at alumni ng Laguna State Polytechnic University.
Nakilala ang mga tinukoy na mga person of interest sa pamamagitan ng natuklasang Facebook group chat at pakikipag ugnayan sa mga opisyal ng paaralan.
Una nang isinugod sa pagamutan si Cabueños matapos itong mag collapsed dahil umano sa matinding pambubugbog sa kanya at pamamaso ng kandila sa kanyang likod.