Umakyat na sa 249 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Zamboanga City.
Ito’y makaraang makapagtala ng 12 bagong kaso ang local Inter-Agency Task Force (IATF) na kinabibilangan ng anim na locally-stranded individuals (LSI’s), isang kauuwi lamang na Overseas Filipino Worker (OFW), isa mula sa komunidad, at apat na nakasalamuha ng ilang nagpositibo sa sakit.
Muli namang nanawagan ang task force sa publiko na tumalima sa quarantine rules, gayundin sa minimum health standards.