Nakaranas ng matinding pag-ulan ang ilang bahagi ng Italy.
Dahil dito, umabot sa dalawang talampakan ang baha doon dulot ng 12 oras na pagbuhos ng ulan.
Ayon sa ulat, lubhang naapektuhan ang lalawigan ng Genoa at maging ang bayan ng Rossiglione na nakaranas ng pagbaha at landslides.
Ayon sa weather expert na si Maximiliano Herrera, hindi karaniwan sa ilang bahagi ng Italy ang pag-ulan kung saan naitala ang highest 12-hour rainfall record.—sa panulat ni Hya Ludivico