Balik – eskwela na ang mga mag – aaral sa elementarya sa labindalawang (12) paaralan sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Brigidier General Rolando Bautista, patunay ito na malapit na matapos ang giyera laban sa grupong Maute.
Tiniyak naman ni Bautista ang kaligtasan ng mga estudyante at guro sa muling pagbubukas ng klase sa mga paaralan.
Bahagi aniya ito ng hakbang ng pamahalaan para maibalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi City.
Nauna rito, aabot sa 9,000 estudyante na ang nagbalik eskwela sa MSU o Mindanao State University noong Agosto.