Tinupok ng apoy ang isang 12-storey building sa kanto ng Vito Cruz at Osmeña Highway sa San Andres, Maynila na umabot pa sa ikatlong alarma.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, nagsimula ang sunog sa ika-walong palapag ng Fems Tower dakong 12:10 ng tanghali at bumaba sa ika-pito at ika-anim na palapag ng gusali.
Batay sa ulat, kumalat ang apoy dahil pinigilan umano ng pamunuuan ng Fems Tower ang fire volunteers na makapasok sa nasabing gusali hangga’t hindi pa dumarating ang BFP.
Wala namang nadamay na mga katabing gusali ang nasabing sunog bago maideklarang fire out dakong 1:50 ng hapon.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Manila Fire Department para matukoy ang sanhi at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.