12 katao ang patay habang anim ang sugatan sa naganap na mass shooting sa Montenegro.
Kabilang sa nasawi ang dalawang bata at ang gunman.
Ayon kay State Prosecutor Andrijana Nastic, pagdating nila sa lugar ay mayroong siyam agad ang nasawi habang dalawa ang nasawi sa pagamutan.
Batay sa imbestigasyon, isang lalaki mula sa Bayan ng Cetinje ang bigla na lamang namaril sa kaniyang mga kapitbahay.
Samantala, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pamamaril.