Umakyat na sa labing dalawang (12) Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang patay sa patuloy na opensiba ng militar sa Maguindanao.
Ayon kay Captain Arvin Encinas, Hepe ng Public Affairs Office ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, ito’y mula sa artillery at airstrike attacks ng militar sa mga sitio ng Pandan, Mungkas at Bulod sa barangay Malingao, Sharrif Mustapha sa naturang lalawigan.
Siyam naman ang kumpirmadong sugatan sa panig ng mga rebelde habang tatlo naman ang mula sa panig ng militar.
Mayroon pa aniyang tatlong napaulat na napatay sa bakbakan subalit patuloy pa itong vina-validate ng militar.
Sinabi ni Joint Task Force Central Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, patunay lamang ito na lumalamang ang puwersa ng pamahalaan kontra sa mga bandido sa nakalipas na pitong araw na operasyon nito sa lugar.
(Ulat ni Jaymark Dagala)