Patay ang 12 katao matapos ang banggaan ng mga sasakyan sa Louisiana, United States.
Ayon kay Louisiana State Police Sergeant James Anderson, kabilang sa nasabing aksidente ang mga tumatawid sa pedestrian, rider at mga bata.
Isa sa tinitignang dahilan ng aksidente ay ang hindi maayos na pagkakabit ng seat belt at pabayang mga drayber.
Samantala, nagpaalala si Anderson sa mga nagmamaneho ng sasakyan na isaalang-alang ang pagsusuot ng seat belt upang maproteksyunan ang sarili sa kalsada. —sa panulat ni Joana Luna