Labindalawa ang patay habang Limampu’t Limang iba pa ang sugatan sa panibagong suicide bombing sa Damascus, Syria.
Naganap ang pambobomba sa Sayyida Zeinab, ang pinaka-sagradong Shia Shrine sa bansa kung saan nakahimlay ang isa sa mga apo ng propetang si Muhammad.
Inako naman ng grupong Islamic State ang pag-atake habang kinondena ng United Nations ang naturang hakbang ng ISIS.
Samantala, nakalaya na sa kamay ng ISIS ang daan-daang residente sa isang komunidad sa Fallujah City, sa Iraq sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan ng Iraqi Security Forces at teroristang grupo.
Nabawi ng Iraqi forces ang Al-Shuhada Al-Thaniya district at iwinagayway na ang watawat ng Iraq sa isang government building sa naturang lugar matapos ang mahigit tatlong linggong sagupaan.
By: Drew Nacino