Patay ang labindalawa (12) katao sa pag-atake ng Islamic State militants sa siyudad ng Palmyra sa Syria.
Ayon sa ulat, apat ang pinugutan ng mga rebelde habang walo ang binaril.
Kabilang sa mga napatay ay ang apat na guro, empleyado ng gobyerno, apat na sundalo at apat na rebelde.
Matatandaang sinakop ng IS ang Palmyra noong nakaraang buwan makaraang maitaboy ng Syrian forces noong buwan ng Marso.
By Ralph Obina
Photo Credit: Getty Images