Tinatayang aabot sa 12 ang nasawi at 47 naman ang nasagip matapos na lumubog ang tatlong motor banca sa Iloilo-Guimaras bunsod nang naranasan doong sama ng panahon.
Unang nangyari ang insidente ng paglubog ng MB Che-che at MB Keziah ganap na alas 12:15 ng tanghali kahapon na may kabuuang sakay na 51 pasahero at mga crew members.
Makalipas lamang ang tatlong oras, sunod namang lumubog ang MB Jennyville na may lulang 38 pasahero at mga tripulante.
Ayon kay Ilo-Ilo City Disaster Risk Reduction and Management Council Head Donna Magno, nagpapatuloy parin hanggang sa ngayon ang mga isinasagawang search and rescue operations sa pinangyarihan ng insidente.