Nasawi ang 12 katao matapos salakayin ng Militiamen ang kampo ng displaced civilians sa ituri province sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa tagapagsalita ng Ituri Military Government, kabilang sa mga nasawi ay ang anim na mga bata, apat na lalaki at dalawang babae.
Ang naganap na pag-atake sa naturang lugar ay isinagawa ng militias kaugnay na rin sa umano’y pagtatanggol nila sa Lendu Community.
Ang grupong Cooperative for the Development of Congo (CODECO) na karamihang miyembro ay Lendu, ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang sa daan-daang mga sibilyan sa Ituri sa nakalipas na dalawang taon. —sa panulat ni Hya Ludivico