Kinilala na ng Laguna Police ang 12 mga person of interest sa hinihinalang kaso ng hazing sa isang university student sa San Pablo City sa Laguna.
Ayon kay San Pablo City Police Chief Lt. Col. Eliseo Bernales, karamihan sa mga ito ay mga lalaki ay estudyante at alumni ng Laguna State Polytechnic University ang sinasabing responsable sa pambubugbog kay Jonathan Cabueños.
Nakilala ang mga tinukoy na mga person of interest sa pamamagitan ng natuklasang Facebook group chat at pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan.
Una nang isinugod sa pagamutan si Cabueños matapos itong magcollapsed dahil umano sa matinding pambubugbog sa kanya at pamamaso ng kandila sa kanyang likod.