Hinagupit ng temporary suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang 12 Private Emission Testing Centers (PETC) dahil sa umano’y pekeng emission results.
Ayon kay LTO Intelligence and Investigation Division Officer-in-Charge Renan Melintante, nahuli ang mga PETCs na nag-upload ng mga peke o binagong emission results sa image Repository Database Server (IRDS) ng ahensya.
Agad namang nag-isyu ng show cause order ang LTO laban sa mga IT providers kung saan inatasan ang mga ito na magpaliwanag kung bakit hindi dapat i-revoke ang kanilang accreditation.
Samantala, binigyang diin naman ni LTO Chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na ang nangyari ay malinaw na panloloko sa gobyerno dahil pinapayagan nila ang ‘non-appearance’ na pagpaparehistro.
Nangako rin si Tugade na patuloy silang magmo-monitor at kakastiguhin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa mga nasabing aktibidad.