Labing dalawang (12) Pinay ang namamatay kada araw dahil sa cervical cancer.
Ito ang isiniwalat ng Department of Health o DOH habang ginugunita ang Cervical Cancer Consciousness Month ngayong buwan ng Mayo.
Ayon kay DOH Senior Program Officer John Richard Lapascua, bagama’t maraming kababaihan ang nabibiktima ng breast cancer ay mas nakakaalarma naman umano ang cervical cancer dahil hindi agad ito nade-detect.
Ibinabala rin ni Lapascua na kabilang sa mga sakit na pumapatay sa mga Pinoy at Pinay ay ang kanser sa baga, utak, atay, bituka at rectum.
By Jelbert Perdez