Nabigyan ng royal pardon ng Qatar goverment ang may 12 Pinoy na nasangkot sa iba’t ibang kaso at na-convict.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang 12 Pinoy na nakatakdang lumaya ay 11 lalaki at isang babae.
Inaprubahan ng Emir ng Qatar na si Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ang clemency para sa 12 Pinoy matapos nilang maisilbi ang ilang bahagi ng kanilang sentensya.
Sinabi ng DFA na ibinibigay ang pardon kada taon sa pagdaraos ng Ramadan sa Qatar at iba pang bansa sa Middle East.
Pangkaraniwang praktis na sa Arab States na magbigay ng royal pardon sa mga dayuhan o kanilang mamamayan na ikinukonsidera na hindi banta sa kaayusan o katahimikan lalo na sa pagdaraos ng Ramadan.
By Mariboy Ysibido