12 probinsya sa bansa ang kontaminado ng red tide ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Batay sa pinaka huling shellfish bulletin ng BFAR, ang mga lugar na apektado ng red tide ay ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan; Honda at Puerto Princesa sa Palawan; Coastal Waters ng Milagros sa Masbate; Sorsohin Bay sa Sorsogon; at Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Gayundin ang Tambobo Bay sa Siaton ng Negros Oriental; Daram Island, Zumarraga, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda at Villarreal Bay sa Western Samar; Coastal Water sa Calubian Bay at Carigara Bay ng Leyte; Cancabato Bay ng Tacloban City; Coastal Water ng Biliran Island; at Guian Sa Eastern Samar.
Positibo rin sa red tide ang Balite bay sa Mati City Davao Oriental; Lianga Bay at Hinatuan ng Surigao Del Sur; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur.
Nabatid na paralytic shellfish poison ang mga nakuhang sample ng mga shell at iba pang lamang dagat tulad ng alamang sa mga nabanggit na karagatan.