Patay ang 12 sibilyan habang 6 naman ang sugatan matapos ang dalawang magkaibang pag-atake ng Islamic State Group sa northern Iraq.
Naganap ang pag-atake noong Lunes ng umaga sa Kirkuk at Diyala Province kung saan nasunog ang mga magsasaka habang inaani ang kanilang mga pananim.
Bukod pa diyan, sinunog din ng mga armadong grupo ang mga village at mga sasakyan sa lugar.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pag-atake ng mga militanteng grupo.