Patay sa airstrike ang 12 sundalo matapos ang ginawang pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen.
Ayon sa Yemeni Military Officials, sinunog ng mga rebelde ang karamihan sa mga nasawi maging ang tatlong military vehicle.
Sa pahayag ng ilang mga residenteng nakakita, may mga dalang automatic rifle ang mga rebelde.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa mga sundalong biktima. —sa panulat ni Angelica Doctolero