Nagwakas na ang 12 taong pamumuno ni Benjamin Netanyahu sa Israel matapos siyang malamangan sa boto ni Naftali Bennett.
Naging dikit ang botohan kung saan 60 na boto ang nakuha ni Bennett laban sa 59 na boto ni Netanyahu.
Dahil dito, nanumpa na ang 49-taong gulang na si Bennett bilang bagong prime minister ng Israel.
Makasaysayan ang pagkapanalo ni bennet dahil siya ang unang arab party na maninilbihan sa gobyerno at ang tanging prime minister sa kasaysayan ng Israel na mayroong maliit na grupo.
Si Bennett ay dating defense minister at isang tech millionaire. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico