Umaabot na sa 12 transmission lines at ilan pang pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nasira sa Southern Luzon dahil sa bagyong Nina.
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang Batangas-Bolboc 69 KV line na pinagkukuhanan ng supply ng Meralco.
Ipinabatid naman ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na naibalik na ang operasyon ng Gumaca-Lopez 69 KV line, Gumaca-Atimonan 69 KV line na pinagkukuhanan ng supply ng Quezalco sa Quezon, at ang Batangas-Ibaan-Rosario 69 KV line na pinagkukuhanan ng Batelec II sa Batangas.
By: Meann Tanbio