Posibleng bumaba ang kasalukuyang 12% value-added tax rate sa bansa.
Ito, ayon sa DOF o Department of Finance, sa sandaling isaayos ng gobyerno ang tax system maging ang iba’t ibang vat exemption privilege sa ilalim ng batas.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, sa oras na maisaayos ang sistema ay unti-unting babawasan ang tax rate.
Dahil anya sa mahigit walumpung (80) tax exemptions, aabot sa 90.7 billion pesos ang annual losses ng gobyerno.
Aalisin anya ang exemption sa pamamagitan ng first package ng comprehensive tax reform program na nakasaad sa House Bill No. 5636 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.
By Drew Nacino | With Report from Jill Resontoc