Nakapagtala ng 12 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal volcano bulletin ng PHIVOLCS, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.
Maliban dito naitala rin ang weak steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 50 metro.
Nakataas pa rin ang alert level 1 abnormal sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earhtquakes, minor ashfall at expulsions ng volcanic gas anumang oras.