Inihayag ng Department of Energy (DOE) na posibleng mailagay sa hanggang 12 beses sa yellow alert status ang luzon grid simula marso ngayong taon.
Bagama’t pagtaya ng ahensiya hindi naman mailalagay ito sa red alert status.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, posible na ilagay sa yellow alert status ang luzon grid sa week 11 ng Marso, week 13 at 17 sa Abril, lahat ng linggo ng Mayo, week 22 at 23 sa Hunyo, week 35 sa Setyembre, week 42 sa Oktubre at week 47 sa Nobyembre.
Mababatid na ang yellow alert status ay nangangahulugan na may manipis na suplay ng kuryente batay sa supply at demand habang ang red alert naman ay mayroon nang kakulangan sa kuryente o walang ancillary services para tumugon dito.