Hindi bababa sa 120 indibidwal ang nasawi dahil sa pagbaha at landslide sa Kinshasa, Democratic Republic of Congo.
Ayon kay Prime Minister Jean-Michel Sama Lukonde, nagpapatuloy ang kanilang search operations kaya’t posible pang madagdagan ang death toll.
Nagdeklara naman si President Félix Tshisekedi ng tatlong araw na pagluluksa para sa mga biktima at sinabing agad siyang aalis sa Estados Unidos pagkatapos ng kanilang pulong ni US President Joe Biden.
Nabatid na aabot sa 12 milyong katao na naninirahan malapit sa Kinshasa ang naapektuhan ng pagbaha.