Aabot sa mahigit P120-M ang inilabas na ayuda ng Malakanyang para sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na pinaigting ng hanging habagat.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagmula ang nasabing assistance sa mga tanggapan ng Office of the Civil Defense, DSWD, Department of Health, Local Government Units, Non-Government Organizations.
Kabilang din aniya sa mga nabigyan ng ayuda ang mga flood victims sa Regions I, III, Calabarzon, Mimaropa, Region Vi, X, National Capital Region at Cordillera Administrative Region.
Base aniya sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, as of 6am kanina, umabot sa 961 areas ang nalubog sa baha sa mga nabanggit na lugar.