Nakatakdang kasuhan ni Pork Barrel Queen Janet Lim Napoles ang isang daan at dalawampung (120) mga mambabatas kaugnay sa PDAF o Priority Development Assistance Fund.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito ang ipinaabot sa kanya ni Atty. Stephen David ang abogado ni Napoles.
Isusumite rin aniya ng kampo ni Napoles sa DOJ o Department of Justice ang komprehensibong listahan ng mga mambabatas na sangkot sa PDAF scam dagdag pa sa mga tinukoy nito sa nauna nyang affidavit.
Una nang kinuwestyon ni Aguirre kung bakit tatlong (3) senador lamang ang nakasuhan noong nakaraang administrasyon samantalang maraming iba pang mambabatas ang sangkot sa naturang kontrobersiya.
By Rianne Briones