Nagpakalat ng 1,200 ‘estero rangers’ ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Metro Manila.
Nanumpa kay DENR Secretary Roy Cimatu ang mga ‘estero rangers’ kasabay ng paglulunsad sa ikalawang bahagi ng ‘Battle for Manila Bay’ na nakatutok naman ngayon sa mga estero ng Metro Manila.
LOOK: Sec. Cimatu leads around 1,200 #EsteroRangers in the recital of their pledge of commitment in the rehab of esteros and the #ManilaBay. pic.twitter.com/am6wjhT2jZ
— DENR (@DENROfficial) November 15, 2019
Ang mga ‘estero rangers’ ay nanumpang tutulong sa paglilinis ng mga estero at tutulong sa house-to-house na koleksyon ng basura.
Nagmula ang mga ‘estero rangers’ sa 16 na syudad at isang bayan ng Metro Manila.