Sinibak ni DSWD o Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista ang may 1200 manggagawa ng kagawaran
Ito’y ayon kay SWEP o Social Welfare Employees Assoc. of the Philippines President Manuel Baclagon ay dahil sa paggigiit sa kanilang karapatan
Mula aniya sa 26 na libong manggagawa ng DSWD, halos 90 porsyento rito ay mga contractual o hindi regular sa trabaho
Dagdag pa ni Baclagon, 5 buwan na silang hindi nakatatanggap ng suweldo at bigla ring inihinto ang pagbibigay sa kanila ng benepisyo
Umaalma rin ang grupo dahil binansagan din silang taga-suporta ng maka-kaliwang grupo matapos na ipagsigawan ang ginagawa sa kanilang panggigipit
Ninais din nilang kausapin si DSWD Secretary Bautista hinggil dito subalit maging sila aniyang taga DSWD ay hirap makausap ang kalihim
Wala pang inilalabas na pahayag ang panig ng kalihim o ng sinumang opisyal ng DSWD hinggil sa naturang usapin