Aprubado nang magtaas ng tuition ngayong school year ang mahigit sa 1,200 private schools sa buong bansa.
Ayon sa Department of Education o DepEd, 1,232 o katumbas ng 10.21 percent ng mahigit 12,000 private elementary at secondary schools ay maniningil ng mas mataas na tuition fee.
Paliwanag naman ni Education Sec. Armin Luistro, nakasunod sa lahat ng requirements ng DepEd ang mga paaralan kabilang na rito ang konsultasyon sa mga estudyante at mga magulang hinggil sa umento sa matrikula.
Sinasabing sa 24 na milyong estudyante sa bansa, 12.2 percent ay naka-enrol sa mga private schools habang sa mga public shools naman ang natitirang 87.8 percent.
By Jelbert Perdez