Aabot sa 1,200 returning Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagpositibo sa COVID-19 at nasa isolation facility.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnell Ignacio, sinusuri na ang mga ito at kapag nagpositibo muli ay ipapadala na sa mga quarantine facilities.
Ini-ugnay ang nangyari sa tumataas na kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa buong mundo na mabilis makapanghawa.
Para sa kanilang kaligtasan, tiniyak ni Ignacio ang pagbabantay sa mga ito sa pamamagitan ng 24 na oras na atensyon mula sa mga health workers.
Hanggang kahapon, kabuuang 901,605 OFWs na ang nakauwi sa bansa sa pamamagitan ng repatriation program ng gobyerno na sinimulan noong may 2020. —sa panulat ni Abby Malanday