Isinusulong ngayon sa senado na gawing 12,000 piso ang annual social pension ng mga senior citizen sa bansa mula sa 6,000 piso kada taon.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, may akda ng panukala, kalahati ng kabuuang bilang ng senior citizen sa bansa ang hindi nakakatanggap ng anumang uri ng pensyon.
Aniya marami ding pinagkakagastusan ang mga senior citizen bukod sa kanilang pang araw-araw gaya na lamang ng pambili ng kanilang mga gamot pang check up sa doktor.
Sa Senate Bill 133 na naglalayong amiyendahan ang Expanded Senior Citizen’s Act of 2010, nais ng senador dagdagan ang social citizen ng mga senior citizen sa 100 porsiyento o 12,000 pesos kada taon.