Target ng pamahalaan na makapaglagay ng 12,000 free Wi-Fi zone sa iba’t ibang panig ng bansa sa kalagitnaan ng 2018.
Ayon kay Usec. Eliseo Rio ng Department of Information and Communications Technology o DICT, inaasahang tataas pa ito hanggang 250,000 free Wi-Fi zone bago magtapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Rio na tuloy-tuloy ang pagsisikap ng Duterte administration na mabigyan ng mas mabilis na serbisyo ng internet ang mga Pilipino.
Sa katunayan, malapit na aniyang simulan ang Luzon Bypass Infrastructure na siyang daraanan ng internet connection ng Facebook mula sa ibang bansa batay na rin sa nilagdaan nilang kasunduan noong November 15.
Maliban pa ito sa alok ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China na pumasok sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa.
(Ratsada Balita Interview)