Sasaklolohan ng pamahalaan ang 12,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nanganganib na mawalan ng trabaho sa Qatar.
Nakatakdang makipagpulong ang Department of Labor and Employment (DOLE), Professional Regulation Commission (PRC) at Commission on Higher Education (CHED) sa gobyerno ng bansang Qatar para matulungan ang mga Pinoy workers.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, ang pakikipagpulong nito kay His Excellency Dr. Mohammed Abdul Wahed Al-Hammadi, at sa Qatar Supreme Education Council ay upang kumatawan sa hiling ng 12,000 engineer at architect sa Qatar para maging kuwalipikadong engineer o architect sa nasabing bansa.
Ang hamon ng pagkakaroon ng kaparehong antas ay bunga ng mahigpit na pagpapatupad ng Qatar ng kanilang batas na nag-aatas na kailangang magparehistro ang mga engineer sa Urban Planning and Development Authority (UPDA).
By Mariboy Ysibido