Tinatayang 10,000 hanggang 12,000 pasahero ang dadagsa ngayong Lunes Santo sa Araneta Center Bus Terminal sa Quezon City.
Nabatid na may ilang pasahero ang piniling matulog sa terminal para hindi maiwan ng biyahe.
Samantala, inaasahang mas bubuhos pa ang tao sa mga terminal ng bus sa Miyerkules Santo, lalo’t kinabukasan Huwebes Santo ay isang non-working holiday.
Port
Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa Holy Week.
Ayon kay Coast Guard Commandant Rear Admiral William Melad, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na tutulak patungo sa mga probinsya.
Binalaan din ni Melad ang mga pasahero laban sa mga fly – by night o mga kolorum na inter – island passenger vessels.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard, mayroon nang halos 80000 pasahero ang nagtungo sa mga pantalan, mula kahapon.
Bomb squad
Pinawi ng naman National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pangamba ng mga biyahero dahil sa nakakalat na mga tauhan ng bomb squad sa mga terminal ngayong Semana Santa.
Ipinaliwanag ni NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas na bahagi lamang ito ng kanilang security measures sa mga terminal ng bus, paliparan at pantalan.
Bukod sa bomb squad, nagpakalat din sila ng quick reaction unit, K-9 unit at iba pang sangay ng PNP para matiyak ang seguridad ng mga biyahero.
Sinabi pa ni Molitas na wala naman silang namomonitor na anumang security threat ngayong Holy Week.
By Meann Tanbio | Katrina Valle | Jonathan Andal
Photo Credit: mb.com.ph