Halos labing dalawang libong (12,000) pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa Semana Santa.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, inatasan na niya ang mga pulis na paigtingin ang pagpapatrolya sa mga komunidad lalo na ngayong Mahal na Araw para maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw sa mga maiiwang bahay ng mga umuwi sa mga lalawigan.
Kadalasan aniyang nangayyari ang modus ng salisi at akyat bahay tuwing Semana Santa dahil sinasamantala ang kawalan ng tao sa maraming bahay ng libu-libong residente ng Metro Manila.
—-