Handang kupkupin ng bansang Australia ang 12,000 migrants na naiipit ngayon ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Prime Minister Tony Abbott, sasali ang Australia sa coalition airstrikes ngayong linggo laban sa ISIS sa Syria.
Balak din ng Canberra na gumastos ng $44 million dollars sa pagkain, kumot at mga emergency supplies para suportahan ang may 240,000 katao sa UNHCR camps bilang bahagi ng $230 million dollars aid program nito.
Samantala, nakatakda rin maglunsad ng airstrike sa Syria ang bansang France.
Sinabi ni French Prime Minister Manuel Valls sa CNN na hindi mareresolba ng pagtanggap lamang ang refugee crisis.
Tinanggihan ng France na tanggapin ang May 4 hanggang 5 milyong Syrians sa kanilang bansa.
By Mariboy Ysibido