Nasabat ng Manila Police District (MPD) ang higit 120,000 halaga na ipinagbabawal na paputok sa Divisoria.
Ayon kay MPD Dir. PBGen. Andre Dizon, nakumpiska sa mga nagtitinda ang mga sinturon ni hudas, fivestar, foutain at ilang piccolo.
Sinimulan nila anya ang pagiikot noong Nob. 19 hanggang kasalukuyan sa nabanggit na lungsod.
Dahil dito, nagpaalala ang Pulisya sa publiko na huwag tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok upang maging ligtas sa pagdiriwang ng Pasko.
Pinaalalahan din ang mga nagbebenta na huwag samantalahin ang pagbebenta ng mga bawal na paputok dahil ito lang ay kukumpiskahin. —sa panulat ni Jenn Patrolla