Nanumpa na ang 121 mga bagong promote na pulis.
Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez ang oath taking ceremony.
Ang mga na-promote na pulis ay dating mga Chief Inspector na ngayon ay mga superintendent na matapos na makapasa sa exam at interview na ibinigay ng pnp promotion and placement board.
Umaabot sa 146 ang mga aplikante para sa promosyon, subalit 121 lamang ang kwalipikado para sa mas mataas na ranggo.
By: Jonathan Andal/ Meann Tanbio